Pinangunahan ni Remate Bowlers Club/Manila Tenpin Bowlers Association President Benny Antiporda ang pagbubukas ng 1st REMATE Open Championship noong Sabado na tatagal hanggang Disyembre 9, 2024, sa Playdium Bowling Center sa Araneta Avenue, Quezon City at dinaluhan ng mga opisyal ng iba’t ibang Bowlers Associations, kasama sina Steve Robles, president ng Philippines Senior Bowlers Association at Liza Zapanta ng Sta. Lucia East Tenpin Bowling Association. Layunin ng kumpetisyon na palakasing muli ang sports ng bowling sa buong bansa. CRISMON HERAMIS