Home METRO 2 aplikante, tie sa Top 1 ng 2026 Shari’ah Special Bar Exams

2 aplikante, tie sa Top 1 ng 2026 Shari’ah Special Bar Exams

3
0

MANILA, Philippines – Magkasalo sa unang puwesto sina Van Regine Perlas at Ahmad Bato sa 2026 Shari’ah Special Bar Examinations matapos kapwa makakuha ng pinakamataas na marka na 89.15 porsiyento, ayon sa Korte Suprema.

Batay sa inilabas na resulta ng Korte Suprema, 235 examinees ang nakapasa sa pagsusulit gamit ang 75 porsiyentong passing grade.

Ayon kay Shari’ah Bar Chairperson Associate Justice Henri Jean Paul Inting, 799 sa 1,055 aplikante ang kumuha ng pagsusulit sa unang araw, habang 796 naman ang nagtapos ng ikalawang araw ng eksaminasyon.

Kumpleto sa top five sina Cairah Cairodin, Michelle Lovely Go, Hanna Macapintal, at Sittie Ayesah Escander.

Isinagawa ang 2026 Shari’ah Special Bar Examinations noong Mayo 24 at 27, habang nakatakdang idaos ang oath-taking ng mga bagong abogado sa Hulyo 16. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here