Home METRO 2 arestado sa illegal na pagbebenta ng armas

2 arestado sa illegal na pagbebenta ng armas

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang dalawang katao na sangkot sa illegal na pagbebenta ng mga armas sa Angeles City, Pampanga, sinabi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sa ulat nitong Lunes, Hunyo 3, sinabi ng CIDG na naaresto sina alyas May, 41, at Jay, 33, sa buy-bust operation sa Barangay Pulung Maragul bandang 5:50 p.m. ng Linggo.

Nagpanggap na buyer ang isang operatiba ng CIDG.

Nakumpiska mula kina May at Jay ang dalawang unit ng 5.56mm rifles, dalawang magazines para sa 5.56mm rifles, dalawang rifle bags, cellphone, boodle money, at sasakyan.

Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Section 32 ng Republic Act No. 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nasa kustodiya ng field unit ng CIDG sa Angeles City ang dalawang suspek kasama ang mga ebidensya. RNT/JGC