Home METRO 2 arestado sa P2.7M tobats sa Caloocan

2 arestado sa P2.7M tobats sa Caloocan

2
0

CALOOCAN CITY, Philippines – Higit sa P2.7 milyong halaga  ng shabu ang nakumpiska mula sa dalawang lalaki nang arestuhin ang mga ito dulot ng  papapaputok ng baril napaulat kahapon sa Caloocan City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth na alas-7:25 ng umaga nang respondehan ng mga tauhan ni Police Sub-Station 6 Commander P/Maj. Valmark Funelas ang natanggap na reklamo hinggil sa nangyaring pagpapaputok ng baril sa Del Rey, Brgy., 163 ng lungsod.

Pagdating sa lugar, sinamahan ang mga pulis ng Ex-Officio ng nasabing barangay na siyang nag-ulat sa insidente hanggang makita nila ang dalawang lalaki na kapwa umanong may bitbit na baril.

Nang mapansin ng dalawa ang papalapit na kapulisan ay nagtangkang tumakas ang mga ito sakay ng isang itim na Nissan Terra subalit, nagawa silang maharang at maaresto nina P/MSg Aldrine Simeon at Pat Efril Boy Hipol.

Nakumpiska kay alyas “Rolly”, 51, ang isang kalibre .9mm pistol na may limang bala sa magazine at apat knot tied transparent plastic na naglalaman ng nasa 400 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,720.000.00 habang nakuha naman kay “Manny”, 55, driver, ang isang kalibre .45 pistol na may apat na bala sa magazine at isang basyo ng bala.

Kasama ring inaresto si alyas “May”, 41, dahil sa kasong Obstruction of Justice nang tangkain pigilan ang mga pulis sa pag-aresto sa kanyang asawang si ‘Rolly’.

Mahaharap ang dalawang lalaking suspek sa kasong Indiscriminate Discharge of Firearms, Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Merly Duero / larawan kuha ni Jojo Rabulan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here