Home NATIONWIDE 2 armadong kalalakihan patay sa sagupaan sa Sultan Kudarat

2 armadong kalalakihan patay sa sagupaan sa Sultan Kudarat

85
0

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang armadong kalalakihan na nagtangkang pigilan ang mga pulis at military na makapasok sa isang barangay sa Isulan, Sultan Kudarat kung saan may namumuong rido o clan war.

Ayon kay Lt. Colonel Tristan Rey Vallescas, commander ng Army 7th Infantry Battalion, ang mga sundalo at pulis ay tumutugon sa ulat ng mga sibilyan tungkol sa away-pamilya sangkot ang dalawang armadong pamilyang Moro.

Sangkot dito ang mga gunmen na mula sa armed factions ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) sa Barangay Lagandang.

“These escalating tensions and violence resulted in the displacement of civilians within the community,” ani Vallescas, sabay-sabing ang mga armadong grupo na sangkot sa rido ay tinarget ang mga rumerespondeng Army at police personnel.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na armadong kalalakihan.

Narekober naman ng mga awtoridad ang dalawang Barrett rifles, dalawang M16 rifles, isang M60 machine gun, 60 mm mortar tube at launchpad, .22-caliber rifle, M79 grenade launcher, at daan-daang ammunitions.

Ayon kay Maj. Gen. Antonio Navarrete, commander ng Army 6th Infantry Division, layon ng operasyon na disarmahan at arestuhin ang mga armed groups na patuloy na nanghaharass sa mga sibilyan sa Barangay Lagandang dahil sa clan war.

“We have emphasized that no one is above the law, and we will enforce that to all armed groups,” saad sa pahayag ni Navarrete. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here