Home METRO 2 bangkay na pinagpapalo ng tubo umalingasaw sa Batangas

2 bangkay na pinagpapalo ng tubo umalingasaw sa Batangas

150
0

BATANGAS – Umalingasaw ang bangkay ng dalawang mag-live in partner sa liblib at masukal na bahagi ng Sto. Tomas City, Batangas matapos na umano’y pagpapaluin ng tubo ng kanilang katrabaho.

Base sa ulat na, caretaker ng isang poultry farm sa Barangay San Rafael ang mga biktima.

Ayon sa pulisya, batay sa kuwento ng isang saksi, nakita nito na pinalo ng suspek ng tubo sa ulo ang biktimang lalaki. Dali-dali naman siyang nagsumbong sa ka-live-in ng biktima pero maging ito ay pinag-initan ng suspek at pinatay.

Nagawa naman umanong makatakas ng saksi.

Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Apolinario Lunar Jr. OIC, Sto. Tomas Component City Police Station, lumilitaw naposibleng inggitan sa trabaho ang motibo sa krimen.

Sa follow-up operation, matapos maaresto ng suspek ay positibo rin siyang kinilala ng saksi. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here