Home HOME BANNER STORY 2 barko ng Tsina nagbanggaan sa Bajo de Masinloc

2 barko ng Tsina nagbanggaan sa Bajo de Masinloc

260
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagbanggaan ang barko ng China Coast Guard at barkong pandigma ng People’s Liberation Army Navy sa silangang bahagi ng Bajo de Masinloc.

Sinabi ng PCG na idineploy ang BRP Teresa Magbanua at BRP Suluan kasama ang MV Pamamalakaya upang eskortan ang 35 Flipino fishing vessels.

Ayon kay PCG for West Philippine Sea spokesperson Jay Tarriela, mabilis na hinahabol ng CCG vessel 3104 ang BRP Suluan ng PCG nang gumawa ng mapanganib na maneuvers ang CCG sa gawing kanan ng barko ng Pilipinas.

Dahil dito ay bumangga ang CCG vessel sa PLA Navy ship 164 na nagdulot ng matinding pinsala sa unahan ng CCG vessel at tuluyang nagpahinto sa biyahe nito.

Binomba rin ng water cannon ng CCG ang MRRV 4406 ngunit matagumpay na nakalayo sa posibleng pinsala ang barko ng PIlipinas dahil na rin sa seamanship skills ng mga tauhan ng PCG.

Kasunod ng insidente, agad na nag-alok ng tulong ang PCG para sa posibleng nasugatang crew ng CCG, kabilang ang medical assistance at man-overboard recovery.

Nanindigan ang PCG na patuloy nitong poprotektahan ang seguridad sa karagatan, lalo na sa gitna ng tensyon sa Bajo de Masinloc. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here