Home METRO 2 bigtime tulak laglag sa P408K ‘bato’ sa Bulacan buy-bust

2 bigtime tulak laglag sa P408K ‘bato’ sa Bulacan buy-bust

189
0

Bulacan – Arestado ang dalawang tulak nang mahulihan umano ng P408,000 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM) nitong Enero 7.

Sa ulat ni PLTCOL Reyson Bagain, hepe ng SJDM police station, kinilala ang mga suspek na sina alyas Jawo at Bert.

Ayon sa ulat ng SJDM police station, naganap ang operasyon bandang 12:40 ng madaling araw sa Brgy. Sto. Niño.

Nabatid na nakumpiska sa operasyon ang nasa 60 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P408,000 at buy-bust money.

Ang mga suspek kabilang ang nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa Bulacan Forensic Unit para sa pagsusuri habang inihahanda kaukulang kaso laban sa kanila.

Binigyan-diin ni PCOL Angel Garcillano, Provincial Director ng Bulacan police, na ang sunod-sunod na operasyon at pagkakaaresto sa mga sangkot sa iligal na droga ay malinaw na patunay ng pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa bawal na gamot. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here