Home NATIONWIDE 2 bigtime tulak laglag sa P557K bato sa Bulacan buy-bust

2 bigtime tulak laglag sa P557K bato sa Bulacan buy-bust

227
0

Bulacan – Himas-rehas ang dalawang indibiduwal nang mahulihan ng P557,600.00 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM), nitong madaling araw ng Enero 16.

Sa ulat ni PLTCOL Reyson Bagain, hepe ng SJDM police station, ikinasa ang operasyon ng kanilang Drug Enforcement Unit na may koordinasyon sa PDEA bandang 1:17 ng madaling araw sa Brgy. Sto. Cristo.

Ayon sa ulat, nabilhan ang dalawang suspek ng plastic sachet ng hinihinalang shabu ng police poseur buyer kapalit ang marked money kaya agad silang inaresto.

Sa protective search ay nakumpiska ang marked money at dalawa pang sachet na umabot sa kabuuang 82 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P557,600.00.

Nahaharap ang mga suspek na kinilalang sina alyas “Roc”, 45 at “Jan”, 24, sa kaukulang kaso habang nasa kustodiya ng nasabing istasyon. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here