Home NATIONWIDE 2 Chinese research ships nag-ooperate sa Bajo de Masinloc

2 Chinese research ships nag-ooperate sa Bajo de Masinloc

218
0

MANILA, Philippines – Dalawang Chinese research ship ang nag-ooperate sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa isang maritime expert nitong Miyerkules.

“Two People’s Republic of China research vessels now operating at disputed Scarborough Shoal,” ayon kay dating United States Air Force official at ex-Defence Attaché Ray Powell sa X (formerly Twitter).

“Xiang Yang Hong 10 deep-sea research ship arrived 15 August. Zhu Hai Yun autonomous mothership—can deploy 50+ air, surface and subsea drones—arrived 18 August. Both operating south of the shoal,” dagdag niya.

Noong Agosto 11, nagtungo ang PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Bajo de Masinloc upang ipamahagi ang tulong sa mga lokal na mangingisda bilang bahagi ng programang Kadiwa.

Ilang sasakyang pandagat ng China, gayunpaman, ang hinarass ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa pamamagitan ng paggamit ng water cannon, paggawa ng mga mapanganib na maniobra, at pag-shadowing.

Ayon sa PCG, nagkabanggaan ang People’s Liberation Army Navy (PLAN) ship 164 at China Coast Guard (CCG) vessel 3104 habang hinahabol nila ang BRP Suluan ng PCG.

Nagtamo ng malaking pinsala ang barko ng CCG, na naging dahilan upang hindi ito makadagat, habang nasira din ang flagpole ng PCG vessel.

Matatagpuan ang Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal sa layong 124 nautical miles mula sa Masinloc, Zambales, at itinuturing na nasa loob ng 200-nautical-mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here