Home METRO 2 dedo, 2 sugatan sa banggaan sa Quezon

2 dedo, 2 sugatan sa banggaan sa Quezon

MANILA, Philippines – Patay ang isang babaeng estudyante at 43-anyos na tricycle driver matapos makabanggaan ng kanilang sinasakyang motorsiklo ang isa pang motorsiklo sa Purok Ilang-Ilang B, Barangay Poblacion I, Real, Quezon nitong Linggo, Setyembre 8.

Kinilala ang mga biktima na sina Raizel, single, ng Centro I, Barangay Capalong, at Rogelio, single, ng Purok 6, Barangay Tignoan.

Sa imbestigasyon, nakabanggaan ng motorsiklong minamaneho ni Rogelio at kanyang backrider na si Anpelyn Manuquid, 31, ang Yamaha Mio na minamaneho ni Kent Leynes kasama ang back rider na si Raizel.

Nagtamo ang drayber at mga back rider ng pinsala sa katawan at dinala sa Claro M. Recto District Hospital sa Infanta, Quezon kung saan idineklarang patay sina Raizel at Rogelio habang nagpapagaling naman sina Ken at Anpelyn. RNT/JGC