Home HOME BANNER STORY 2 Engineer ng DPWH sinibak ni Dizon sa pagkamatay ng lalaking nahulog...

2 Engineer ng DPWH sinibak ni Dizon sa pagkamatay ng lalaking nahulog sa manhole sa Pampanga

83
0

MANILA, Philippines – Sinibak sa puwesto ang dalawang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa kabiguang maipatupad ang kinakailangang road safety measures sa isang proyekto ng ahensya sa Fil-Am Friendship Highway sa Angeles City, Pampanga.

Sina Pampanga 3rd OIC-Assistant District Engineer Aser S Mallard at OIC-Assistant Augustin R.Dagsaan Jr. ay tinanggal ni Highways Secretary Vince Dizon kasunod ng pagkamatay ng isang lalaki matapos mahulog sa binahang open drainage canal sa naturang lugar.

Ayon sa DPWH, alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking nasusunod ang safety at quality standards sa lahat ng proyekto ng gobyerno.

Tiniyak ni Dizon na mananagot ang sinumang opisyal ng DPWH na mapatutunayang nagpabaya sa tungkulin at naglagay sa panganib sa kaligtasan ng publiko.

Ang nasabing district engineer ay siyang nakakasakop sa open drainage canal kung saan na-swak ang isang lalaki na nagresulta ng kanyang agarang pagkamatay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here