Home METRO 2 estudyante patay sa ambush sa Cotabato

2 estudyante patay sa ambush sa Cotabato

156
0

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang Grade 11 students na patungo sana sa kanilang paaralan nang tambangan ng hindi pa tukoy na gunmen sa Pikit, Cotabato umaga ng Martes, Disyembre 3.

Ayon kay Police Lt. Warren James Caang, spokesperson ng Cotabato police provincial office, kinilala ang mga biktima na sina Muslimin Nanalong at Rafael Abu Indong, kapwa 18 anyos, at senior high school students sa Noorul Eilm Academy Foundation Inc. sa Barangay Inug-og, na patungo sa kanilang paaralan nang pagbabarilin ng mga gunmen na sakay ng magkahiwalay na motorsiklo.

Ani Caang, patay on the spot si Nanalong habang si Indong ay idineklarang patay sa ospital sa Barangay Poblacion Pikit.

Ikinokonsiderang collateral damage ang dalawang biktima sa nagaganap na rido sa lugar.

Aniya, walang criminal records ang mga ito at hindi rin nasangkot sa anumang karahasan.

Ang pagpatay kay Nanalong at Indong ay ilang araw lamang matapos din na tambangan ng armadong kalalakihan ang dalawang menor de edad sa Barangay Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur o nasa 80 kilometro mula sa Pikit, Cotabato.

Sakay naman ng isang kotse ang mga ito nang pagbabarilin. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here