Home METRO 2 estudyanteng tulak arestado; menor, ni-rescue

2 estudyanteng tulak arestado; menor, ni-rescue

4
0

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Bagsak sa kulungan ang dalawang estudyanteng tulak ng ipinagbabawal na droga at na-rescue ang isang menor de edad matapos maaresto sa isinagawang drug buybust operation ng Philippines Drugs Enforcemwnt Agency o PDEA Region 02 sa Purok 4, Barangay Vista Alegre, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa direktiba ni Regional Director Gil Cesario Castro ng PDEA Region 02 ay naresto ang dalawang suspek na kilalang sina alyas “Bry,” 18 anyos at alyas “Joel,” 22 anyos na kapwa estudyante at residente ng District 4, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Habang ang menor de edad ay pansamantala ipinasakamay sa pinagkakatuwalaan ahensya ng pamahalaan para sa isang counselling.

Nakumpisla mula sa pag-iingat ng mga suspek ang halos mahigit kumulang 650 grams ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng Php78,000.00.

Maliban sa illegal drugs ay nasamsam din ang dalawang android smartphone, honda click 125 at isang black Honda Wave 110 motorcycle na walang plaka.

Nahaharap ang mga suspek na may kinalaman sa violation of Sections 5 and 11, Article II of Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here