MANILA, Philippines – Dalawang foreign nationals ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pasay City dahil sa illegal detention.
Nag-ugat ang operasyon sa reklamong natanggap ng NBI-NCR laban kay alyas Boss Yong at iba pa dahil sa umano’y illegal detencion.
Humingi ng tulong ang complainant upang agad na iligtas ang isang Mr.Yi na labag sa batas na pinagkaitan ng kanyang kalayaan sa isang condominium hotel sa Pasay City.
Nagbigay ng sinumpaang salaysay at nagsumite ng screenshots ng mga mensahe ng pagkabalisa ,larawan at lokasyon ng biktima.
Ayon sa complainant, nag-aplay siya para posisyon ng IT analyst noong Agosto 2025 sa pamamagitan ng Telegram at natanggap.
Gayunman, natuklasan niya na ang aktibidad ay illegal at nagtangka na magbitiw sa trabaho ngunit ang kanyang manager at boss ay tumanggi at binantaan ang biktima na papatayin kapag tinangkang tmakas at umalis sa kanyang trabaho.
Natunton ng NBI ang biktima sa isang gusali sa Cuneta Avenue Pasay City nang makipag-ugnayan ang ahensya sa Building Administrator bago pinuntahan ang Room 311, kung saan iniulat na ikinulong.
Kinilala ng biktima ang mga suspek na sina Do Yang Zhe at Hu Yong. Jocelyn Tabangcura-Domenden