Home NATIONWIDE 2 French military jet nagbanggaan sa ere; 2 patay

2 French military jet nagbanggaan sa ere; 2 patay

134
0

PARIS, France – Dalawang French military jet ang nagbanggaan sa himpapawid, na ikinamatay ng dalawang tauhan ng militar at nag-iwan ng nag-iisang survivor, sinabi ng mga opisyal ng France.

Sa isang post sa X, kinilala ni French President Emmanuel Macron ang mga nasawi sa Rafale AM.PA aircraft accident na sina Captain Sebastien Mabire at Lieutenant Matthis Laurens.

Sinabi ng French media na isa sa dalawa ay trainee pilot at ang isa ay piloto. Sinabi ni French Defense Minister Sebastien Lecornu sa X na nakaligtas ang natitirang piloto.

Ang mga eroplano ay nakabase sa Saint-Dizier military installation sa hilagang-silangan ng France. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here