Home NATIONWIDE 2 ‘gang 4 bagyo inaasahan sa PAR ngayong Setyembre – PAGASA

2 ‘gang 4 bagyo inaasahan sa PAR ngayong Setyembre – PAGASA

389
0

MANILA, Philippines – Dalawa hanggang apat na bagyo ang inaasahan na mabubuo o papasok sa Philippine area of responsibility ngayong Setyembre.

“Ngayong buwan ng September ay posible ang dalawa hanggang sa apat na bagyo ang pumasok o mabuo sa ating PAR, base rin sa ating climate outlook noong nakaraang linggo,” sinabi ni PAGASA weather specialist Veronica Torres sa panayam ng GMA News nitong Lunes, Setyembre 1.

Sa public weather forecast, sinabi ng PAGASA na ang mga bagyong ito ay posibleng mag-landfall sa Extreme Northern Luzon at Southern Luzon.

“Yung pangatlo naman na ating track ay isang landfalling track. Posibleng ‘yung movement nito generally northwestward pa rin, pero posible itong maglandfall over Extreme Northern Luzon area towards the area of Hong Kong or mainland China,” ayon naman kay PAGASA weather specialist Daniel James Villamil.

“At sa pang-apat naman na ating track, landfalling track rin ito. Possible landfall over the southern portion of Luzon patungo sa area naman ng Vietnam,” dagdag pa.

Sa kasalukuyan ay may minomonitor ang PAGASA na low pressure area sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Huli itong namataan sa layong 580 kilometro silangan ng Virac at may mababang tsansa na mabuo bilang isang bagyo sa susunod na 24 na oras. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here