Home METRO 2 holdaper ng magkakarne nasukol ng mga parak sa Bulacan

2 holdaper ng magkakarne nasukol ng mga parak sa Bulacan

182
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang dalawang lalaking nangholdap ng magbababoy sa follow – up operation ng pulisya sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong madaling araw ng Pebrero 15.

Sa ulat ni PLTCOL Reyson Bagain, hepe ng SJDM police station, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Darwin”, 30 at alyas “Daniel”, 24, kapwa residente ng Pabahay 2000, Brgy. Muzon South.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente bandang 2:30 ng madaling araw habang nagbababa ng kargang karne ang mga biktima sa lugar.

Nabatid na biglang lumapit ang mga suspek sa mga biktima hanggang sa tutukan nh baril at nagdeklara ng holdap.

Tinangay ng mga suspek ang dalawang celphone na nagkakahalagang P11,500, driver’s license ng isa sa biktima at halagang P1,800 na mabilis na tumakas.

Nang makarating sa istasyon ang nangyari ay agad nagsagawa ng follow-up operation kaya naaresto kalaunan ang mga suspek at narekober ang ilan sa mga ninakaw na kagamitan.

Nakumpiska ang shot gun, dalawang live ammunition nito, caliber .45 na replila at iba pang personal na gamit sa mga suspek na nahaharap sa kaukulang kaso habang nasa kostudiya ng nasabing istasyon. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here