Home METRO 2 HVI timbog sa buy-bust ops sa Benguet

2 HVI timbog sa buy-bust ops sa Benguet

181
0

BENGUET- Swak sa kulungan ang dalawang High Value Individuals (HVI) matapos maaresto sa isinagawang joint anti-illegal drugs buy-bust operation ng PDEA CAR LTIU (lead units) at PDEA CAR RSET sa Betag, La Trinidad ng lalawigang ito kahapon, Hunyo 2.

Base sa inilabas na initial report ng PDEA CAR, ang dalawang suspek na aaresto sa naturang buy-bust operation ay isang 44-anyos na lalaki na residente ng Palina, Kibungan, Benguet at 31-anyos na residente ng Poblacion, La Trinidad, Benguet.

Sa naturang buy-bust operation ay nakarekober ang mga operating team ng humigit kumulang sa 21,000 gramo ng marijuana dried leaves na tinatayang nagkakahalaga ng P2,520,000.

Ang naturang marijuana dried leaves ay naka-pack ng tubular form. Dalawampu’t isang tubular form ang narekober ng mga operatiba.

Bukod sa drug evidence, kinumpiska rin ng mga operatiba ang Tamaraw FX na ginamit ng mga suspek. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here