Home METRO 2 Indonesian, 3 Pinoy arestado sa pagpuslit ng endangered birds

2 Indonesian, 3 Pinoy arestado sa pagpuslit ng endangered birds

157
0

MANILA, Philippines- Arestado ng Philippine Coast Guard (PCG) ang limang indibidwal dahil sa umano’y pagpupuslit ng mga ibon sa Governor Generoso, Davao Oriental.

Sa ulat, kabilang sa mga naaresto ang dalawang Indonesian at tatlong Pilipino.

Nakatanggap ang mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station (CGSS)-Governor Generoso ng impormasyon mula sa opisyal ng barangay tungkol sa kahina-hinalang bangka na de-motor mga tatlong milya ang layo sa Barangay Pundaguitan.

Hinarang ng CGSS-Governor Generoso ang sasakyang pantubig na may sakay umanong undocumented wildlife na kinabibilangan ng 27 Moluccan cockatoos; 21 rainbow lorikeet; 26 pulang lories; at ilang marsupial tulad ng northern at common spotted cuscus.

Ang limang naaresto ay dinala sa lokal na pulisya para sa inquest proceedings. Maaari silang kasuhan ng umano’y paglabag sa Wildlife Protection Act (RA 9147).

Itinurn-over naman sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga nakumpiskang mga ibon.

Nagpapatuloy naman ang illegal wildlife trade sa rehiyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here