Home NATIONWIDE 2 kelot timbog sa buy-bust ops sa Ilocos Norte

2 kelot timbog sa buy-bust ops sa Ilocos Norte

1
0

ILOCOS NORTE-Swak sa kulungan ang dalawang lalaki matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Ilocos Norte ng lalawigang ito nitong Linggo, Oktubre 25.

Ayon sa Nueva Era MPS, ang mga suspek ay edad 35 at 27, parehong residente ng naturang bayan.

Bandang alas-10:20 ng umaga nang ikasa ang buy-bust operation na tumagal hanggang 2:05 ng hapon.

Ang buy-bust operation ay ikinasa ng mga personnel ng Nueva Era MPS, Provincial Drug Enforcement Unit-Ilocos Norte Police Provincial Office, Provincial Intelligence Unit- Ilocos Norte Police Provincial Office, Regional Intelligence Division 1, Regional Intelligence Unit 1, at Regional Drugs Enforcement Unit 1 sa pakikipag-ugnayan nila sa PDEA RO1.

Sa naturang buy-bust operation ay nakarekober ang mga awtoridad ng limang (5) heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Tumitimbang ng 11.84 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P80,512.00 ang mga narekober na hinihinalang shabu.

Bukod sa hinihinalang shabu ay nakakumpiska rin ang mga awtoridad ng mga itinuturing nilang non-drug evidence.

Ginawa ang inventory at markings sa mga nakumpiskang ebidensya sa mismong lugar kung saan nangyari ang buy-bust operation, sa presensiya ng dalawang suspek at mandatory witnesses. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here