MANILA, Philippines – DALAWA katao ang kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon matapos na pagbabarilin ang mga ito ng mga hindi nakikilalang salarin sa makahiwalay na lugar sa Sta Rosa City at Siniloan, Laguna.
Kinilala ang mga biktima na kapwa nagtamo ng tama mg bala sa bahagi ng katawan at kasalukuyang nasa surgery operation sa pinakamalapit na hospital sina alyas Randy, at Redalyne, pawang nasa hustong gulang at naninirahan sa nabanggit na lugar.
Base sa inisyal na report sa tanggapan ni PBGen. Hansel M. Marantan, Regional Director ni PRO4 CALABARZON, dakong alas-5:25 ng hapon kung saan lulan ng kanyang sasakyan ang biktimang si Redalyne, pagdating umano sa traffic light ay huminto ang biktima. Subalit, isang kulay puting motorsiklo na walang plate number ang huminto at biglang pinagbabaril ng hindi nakikilalang gunman ang biktima.
Samantalang, dakong alas-7:20 kagabi nang pagbabarilin ang biktimang si alyas Randy ng suspek na nakilala sa alyas Anton.
Patuloy ang imbestigasyon at dragnet operation ng Sta Rosa City Police Station at Siniloan Municipal Police Station para sa agarang ikadarakip ng mga tumakas na suspek. Ellen Apostol