Home METRO 2 lalaking naninipsip ng krudo, kalaboso

2 lalaking naninipsip ng krudo, kalaboso

201
0

BULACAN, Philippines – Arestado ng mga nagpapatrulyang pulis ang dalawang lalaking nahuling sumisipsip ng krudo sa isang nakaparadang truck sa bayan ng San Miguel nitong Sabado, Agosto 3.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Boy sipsip” at alyas “Boy ihi” ng Payatas, QC.

Sa ulat ni PLTCOL Jowilouie Bilaro, hepe ng San Miguel police station, naganap ang inisdente bandang 3:30 ng madaling araw sa Brgy. Salangan.

Ayon kay Bilaro, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang  sibilyan na may dalawang kahina-hihalang indibiduwal na nagsasalin ng krudo mula sa mga truck na nakaparada sa gilid ng kalsada.

Nang dumating ang mga pulis sa lugar ay mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng Mitsubishi L300 van na nahuli rin makalipas ang ilang minutong habulan sa Brgy. Anyatam, San Ildefonso.

Nakumpiska ng mga pulis ang mga kagamitan sa pagsasalin ng krudo, mga lalagyan ng suspek.

Nahaharap sa kasong pagnanakaw ang dalawang suspek.

Sinasabing ang isa sa mga suspek ay pansamantalang nakalaya sa bisa ng piyansa dahil sa naunang kasong kriminal.(Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here