MANILA, Philippines – Dalawang bettor ang maswerteng nakakuha ng jackpot prize na mahigit P89 milyon sa Super Lotto 6/49 draw noong Abril 4, Huwebes ng gabi.
Nagawa nilang matumbok ang 28-16-18-29-14-09 na winning digits at paghahatian ang P89,556,807.60.
Samantala, walang nanalo sa ibang major lotto draw kung saan hindi nahulaan ang 26-36-31-40-39-06 na winning digits sa Lotto 6/42 bettor na may jackpot prize na P16,401,481.80. RNT