MANILA, Philippines – Nagsanib ang dalawang low pressure area sa hilagang Philippine Sea habang ang LPA sa malayong hilagang-silangan ng bansa ay naging ganap ng tropical depression, sinabi ng weather bureau PAGASA ngayong Miyerkules.
As of 3 a.m., ang tropical depression sa labas ng Philippine area of responsibility ay tinatayang nasa 575 km Northeast ng Itbayat, Batanes.
Ang mga natitirang low pressure area ay magpapatuloy na bahagyang magpapalakas ng habagat.
Ang Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat.
Ang Metro Manila, Visayas, CALABARZON, Bicol Region, at ang natitirang bahagi ng MIMAROPA ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat. RNT