Home NATIONWIDE 2 lugar nananatili sa Signal No. 2 sa bagyong Aghon

2 lugar nananatili sa Signal No. 2 sa bagyong Aghon

MANILA, Philippines – Nananatili sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang dalawang lugar sa bansa dahil sa bagyong Aghon habang kumikilos sa Philippine Sea malapit sa Aurora.

Ayon sa 11 a.m. update ng PAGASA nitong Lunes, Mayo 27, nasa ilalim ng TCWS ang mga sumusunod na lugar:

Southeastern portion ng Isabela (Dinapigue, Palanan), Northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran)

Samantala, nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Northeastern at southern portions ng Isabela (Divilacan, San Mariano, San Guillermo, Jones, Echague, San Agustin, Ilagan City, Benito Soliven, City of Cauayan, Maconacon, Angadanan, Naguilian),

Eastern portion ng Quirino (Maddela, Nagtipunan, Aglipay),

Southern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda),
Rest of Aurora,
Northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kabilang ang Polillo Islands,

at northwestern portion ng Camarines Norte (Paracale, Jose Panganiban, Vinzons, Capalonga) kabilang ang Calaguas Islands

Huling namataan ang sentro ng bagyong Aghon sa layong 100 kilometro silangan timog-silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 140 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na 170 kilometro kada oras.

Ang bagyong Aghon ang kauna-unahang bagyo na tumama sa bansa ngayong 2024.

Posibleng lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Miyerkules ng hapon o gabi. RNT/JGC