Home ENTERTAINMENT Direk Carlo J, pumanaw na!

Direk Carlo J, pumanaw na!

Manila, Philippines – Muoing nagluluksa ang showbiz sa balitang pagpanaw ng writer, director at film producer na si Carlo J. Caparas.

Ito ang ibinahagi ng kanyang anak na si Peach sa Facebook nitong May 25 ng gabi.

May 24 nang punanaw daw ang kanyang ana who was 80.

Idonaan ni Peach sa tula na pinamagatang Sa Bawat Tipa ng Makinilya ang kanyang post.

Nilalaman ng tula ng direktor ding si Peach ang ilan sa mga tanyag na ovrang sinulat ni direk Carlo whose cause of death remains unknown.

Ang mga ito’y ang Panday, Pieta, Elias Paniki, Bakekang, Totoy Bato, among others.

Naunang nasawi ang kanyang maybahay, dating aktres at producer ng Golden Lion Films na si Donna Villa noong January 17, 2017 sa sakit na cancer.

Itinuring ‘yon ni direk Carlo na pinakamatinding dagok sa kanyang buhay.

Buhat nang pumanaw si Donna, mas pinili ni direk Carlo na pumirmi sa Cebu at maglibot sa mga lugar na madalas nilang puntahan mag-asawa.

Direk Carlo had since stopped directing films, too.

Among others, kinilala si direk Carlo sa likod ng matagumpay na massacre movies noong dekada nobenta tampok sina Kris Aquino, Dawn Zulueta at Vilma Santos.

Kasalukuyang umeere sa TV5 ang pelikula niyang Lumuhod Ka Sa Lupa.

Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa mga naulila ni direk Carlo J. Caparas. Ronnie Carrasco IIi