Home NATIONWIDE NoKor maglulunsad ng satellite sa silangan ng Luzon

NoKor maglulunsad ng satellite sa silangan ng Luzon

MANILA, Philippines – Inabisuhan ng North Korea ang Japan sa plano nitong paglulunsad ng rocket taglay ang isang satellite patungo sa Yellow Sea at silangan ng Luzon sa pagitan ng Mayo 27 hanggang Hunyo 4, sinabi ng Japan Coast Guard nitong Lunes.

Kalaunan ay naglabas din ng abiso ang South Korean government ng military reconnaissance satellite launch.

Kung magiging matagumpay ay ito na ang ikalawang spy satellite na ilulunsad ng Pyongyang sa kalawakan.

Matatandaan na inilunsad ng North Korea ang kauna-unahang military spy satellite noong Nobyembre 2023. RNT/JGC