Home HOME BANNER STORY Stranded sa bagyong Aghon, nabawasan na

Stranded sa bagyong Aghon, nabawasan na

MANILA, Philippines – Unti-unti nang nababawasan ang mga stranded na pasahero sa mga pantalan sa bansa na apektado ng hagupit ng bagyong Aghon.

Base sa ibinigay na update ng Philippine Ports Authority (PPA) at Philippine Coast Guard (PCG), mayroon na lamang humigit-kumulang 1,000 pasahero sa NCR North.

Gayunman, sinabi ng PPA na inaasahang makakasakay na ang mga natitirang stranded dahil inalis na ang Storm Signal.

“There will be domino effect since ang uunahin pasakayin ay yung mga naka sched noon before yung naka schedule ngayon,” ayon sa PPA.

Ayon sa PPA, mayroong byaheng Manila to Gensan, Bacolod, Iloilo, Davao.

Sa iba pang daungan, kinokolekta pa ang mga datos dahil maraming mga stranded na pasahero ay nakasakay na.

Kabilang sa mga stranded ay mga truck drivers, at cargo helpers, 26 vessels, 12 motorbancas, at 125 rolling cargoes habang 29 vessels at 30 motorbancas ang nanatiling nasa ligtas na lugar sa Northeastern Mindanao, Bicol, Eastern Visayas, at Southern Tagalog regions dahil sa bagyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden