MANILA, Philippines – Magsasagawa ang Court of Appeals (CA) ng pilot test sa back-office module ng eCourt PH for CA simula Disyembre 1, 2026, para sa pagproseso ng mga original petition na personal na inihahain sa korte.
Sakop ng pilot test ang mga petisyon sa ilalim ng Rules 42, 43, 47, 65, 66, 71 at 102 ng Rules of Court, gayundin ang Petitions for Intervention, Writ of Amparo, Writ of Habeas Data at Writ of Kalikasan.
Sa loob ng 24 oras mula sa personal na paghahain, kailangang magpadala ng electronic copies ng mga petisyon at pleadings sa PDF format sa email address ng kaukulang CA station:
Ang eCourt PH for CA ay isang web-based case management system na layong pabilisin ang pagtatala, beripikasyon, pagsubaybay at pagproseso ng mga kaso.
Sa pamamagitan nito, makagagawa ng electronic case records o rollos at sabay-sabay na makapagpoproseso ng mga kaso ang mga kinauukulang tanggapan ng CA.
Sa ilalim ng pilot test, awtorisadong mga kawani ng CA ang gagamit ng back-office module sa pagproseso ng mga sakop na petisyon.
Samantala, pinalalawak pa ang sistema upang maisama rin ang ordinary appeals, na target ipatupad sa unang quarter ng 2027.
Bahagi ang inisyatibang ito ng Supreme Court’s Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027, na naglalayong gamitin ang teknolohiya upang magkaroon ng mas mabilis, madaling ma-access at mas tumutugong sistema ng hustisya. Jocelyn Tabangcura-Domenden