BULACAN, Philippines – Arestado ang dalawang indibiduwal nang mahulihan ng P470,000 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM) nitong Agosto 14.
Sa ulat, ang dalawang suspek ay kinilalang sina alyas “Boss 1” 48 anyos at “Boss 2”, 60 anyos residente ng nasabing lungsod.
Ayon sa ulat ng SJDM police station, isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng istasyon bandang 11:30 ng gabi sa Brgy. Gaya-Gaya.
Nabatid na nakumpiska sa mga suspek ang limang transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu kabilang ang buy-bust item mula sa poseur buyer kapalit ang marked money at apat pang sachets na nakuha sa protective search na umabot sa kabuuang 60 gramo na may halagang P407,000.
Ang mga suspek at ebidensya ay dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa pagsusuri habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165. (Dick Mirasol III)