Home NATIONWIDE 2 mangingisda patay, 1 iba sugatan sa pagsabog sa Pangasinan

2 mangingisda patay, 1 iba sugatan sa pagsabog sa Pangasinan

1
0

PANGASINAN- Dalawang mangingisda ang hindi nakaligtas sa kalawit ni Kamatayan samantalang sugatan ang isa pang kasama nila sa naganap na malakas na pagsabog sa karagatan ng Dasol ng lalawigang ito nitong hapon ng Sabado, Agosto 1.

Sa ulat na ipinadala ng Dasol MPS sa Police Regional Office (PRO) 1, ang dalawang nasawi at ang 42-anyos na kasama nila ay pawang mga residente ng Zambales.

Sa inisyal na imbestigasyon, dalawang mangingisda na parehong taga-Dasol, Pangasinan ang abala sa pangingisda nang bigla silang makarinig ng malakas na pagsabog.

Dahil dito, agad silang rumesponde doon sa lugar kung saan nila narinig ang pagsabog.

Pagdating sa lugar ay nakita nila ang tatlong lalaki na sugatan na palutang-lutang sa tubig kaya agad nilang sinaklolohan ang mga biktima.

Matapos maiahon ang mga biktima, agad na kumilos ang Dasol Emergency Response Team (DERT) para dalhin sila sa Dasol Community Hospital.

Gayunman, ang dalawa sa kanila ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.

Hinihinalang ang tatlong biktima ay involved sa illegal fishing sa pamamagitan ng paggamit ng improvised explosive device (dynamite) at posibleng sumabog ang mga dala nilang pampasabog nang wala sa oras na nagresulta sa naturang trahedya. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here