Home METRO 2 menor de edad nalunod sa fishpond, dedbol!

2 menor de edad nalunod sa fishpond, dedbol!

ILOCOS NORTE-Patay ang dalawang menor de edad na babai matapos malunod sa fishpond sa Brgy. Colo, Batac City ng lalawigang ito kahapon, Hulyo 3.

Ayon sa Batac City Police Station, ang mga biktima ay isang 8-anyos at 14-anyos.

Ang dalawang biktima kasama ang kanilang lola ay nangunguha ng kuhol/suso sa fishpond nang mangyari ang insidente.

Tinangka umano ng dalawang biktima na sukatin kung gaano kalalim ang tubig ng naturang fishpond ngunit nadulas sila at nalunod.

Isinugod ang dalawang biktima sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center ng mga rumespondeng City Paramedics at BFP personnel.

Gayunman, ang dalawang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso