DINAPIGUE, Isabela – Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang dalawang mister sa pagbebenta ng mga pekeng sigarilyo sa isinagawang operasyon ng Dinapigue Municipal Police Station sa Brgy. Digumased, Dinapigue, Isabela.
Sabipinarating na ulat kay PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, ang mga suspek ay kinilalang sina alyas “Ric”, 34 anyos, at “Ren”, 36 anyos, na kapwa nahaharap sa paglabag sa Section 263 ng Republic Act 8424 o An act amending the National Internal Revenue Code, as amended.
Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa Barangay Intelligence Network (BIN) hinggil sa ilegal na gawain ng mga suspek na umano’y nagbebenta at namamahagi ng mga kontrabandong sigarilyo sa mga bayan ng Casiguran at Dilasag, Aurora, maging sa Dinapigue, Isabela.
Agad na nagsagawa ng operasyon ang mga intel operatiba at naaktuhan ang mga suspek habang nagbebenta ng mga sigarilyong nakapaloob sa mga karton gamit ang isang puting sasakyan.
Nakumpiska mula sa pag-iingat at kontrol ng mga suspek ang sa mga suspek siyam (9) na kahon ng Modern Lights cigarettes, tinatayang nagkakahalaga ng ₱189,000.00, tatlong (3) kahon ng Modern Blue cigarettes, nagkakahalaga ng ₱54,000.00, tatlong (3) kahon ng Two Moon cigarettes, nagkakahalaga ng ₱43,500.00, isang (1) kahon ng T.S. cigarettes, nagkakahalaga ng 14,500.00, isang (1) puting Isuzu NKR truck. Tinatayang umabot sa ₱301,000.00 ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang pekeng sigarilyo.
Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang suspek at ang mga ebidensya para kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon. REY VELASCO