MANILA, Philippines – Dalawang indibidwal ang nailigtas habang dalawang iba pa ang nalunod sa insidente sa Lingayen beach noong Martes ng hapon, ayon sa Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Lumalangoy ang mga biktima nang dinala sila ng malalakas na alon at agos sa mas malalim na bahagi ng dagat.
Dinala sa ospital ang dalawang survivors, isang 18-anyos na taga-Tarlac at isang 13-anyos mula sa Laguna.
Isang 19-anyos na taga-Laguna ang idineklara na dead on arrival, habang isang 16-anyos na taga-Tarlac ang natagpuang patay matapos ang paghahanap.
Bilang tugon, nagpatupad ang PDRRMO ng temporary no-swimming policy at binabantayan ang beach area. RNT