Home HOME BANNER STORY 2 nawawala sa gumuhong hukay sa kalsada sa Las Piñas City

2 nawawala sa gumuhong hukay sa kalsada sa Las Piñas City

1
0

MANILA, Philippines – Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang dalawang indibidwal matapos gumuho ang hinuhukay na kalsada sa Pamplona II, Las Piñas City nitong Linggo ng gabi, Hunyo 28.

Sa inisyal na ulat, ang insidente ay nangyari sa ginagawang kalsada na may kaugnayan sa isang water supply project.

Nagtugong sa lugar ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police, at City Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO).

Mayroon umanong pitong indibidwal ang nasa lugar, kung saan lima ang nasagip kabilang ang isang sugatan, habang dalawa naman ang tinukoy na “for retrieval.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here