Home HOME BANNER STORY 2 OFW kritikal sa nasunog na gusali sa Kuwait

2 OFW kritikal sa nasunog na gusali sa Kuwait

Kuwaiti security forces gather at a building which was ingulfed by fire, in Kuwait City, on June 12, 2024. More than 35 people were killed and dozens injured in a building fire in an area heavily populated with foreign workers in Kuwait, the interior ministry said. (Photo by YASSER AL-ZAYYAT / AFP)

KUWAIT – Kritikal ang dalawang Pinoy matapos na masunog ang tinutuluyang gusali ng mga ito sa Kuwait nitong Miyerkules, Hunyo 12, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Nasa intensive care unit sa Adan hospital ang dalawang lalaking Pinoy na kinilalang sina Julio Cabrera Montemayor at Michael Dizon, pagbabahagi ni OWWA Administrator Arnell Ignacio sa panayam sa ABS-CBN News.

“Ang importante, we are very much on top of the situation at alam natin kung saan silang ospital. Aasikasuhin na natin ito kaagad-agad as we speak,” ani Ignacio.

“We’ve already contacted their families. Nakabantay na tayo dito,” dagdag niya.

“Our officers are already at the hospital… titingnan natin hanggang sa lahat naman ng tulong ibibigay dito. Initially, ito muna, antayin natin sila. Pagalingin natin,” pagpapatuloy ng opisyal.

Sa ulat, nasa 49 na ang patay at marami ang sugatan sa nangyaring sunog sa gusali na tinitirhan ng mga dayuhang manggagawa sa Kuwait.

Halos nasa 200 ang mga nakatira sa naturang gusali ayon sa mga awtoridad. RNT/JGC