Home NATIONWIDE 2 paksyon ng isang party-list, pinayagan maghain ng CON-CAN

2 paksyon ng isang party-list, pinayagan maghain ng CON-CAN

MANILA, Philippines – Bagamat magkaparehong sektor ang kinakatawanan ng grupo, ang ABP o Ang Bumbero ng Pilipinas Partylist ay pinayagan makapaghain ng Certification of Nomination and Certificate of Acceptance of Nomination (CON-CAN) bilang isang party-list sa Commission on Elections (Comelec).

Noong Martes o unang araw ng COC filing ng kandidatura ay naghain na ng CON-CAN ang unang grupo ng ABP sa pamamagitan ng kanilang unang nominado na si Usec Astra Pimentel Naic.

Habang naghain din ng CON-CAN sa parehong Partylist ngayong araw, Oktubre 4 ang isa pang grupo ang una ring nominado na si Jose Antonio “Ka Pep” Goitia.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, una na silang nagpadala ng notice sa mga partylist group hinggil sa nasabing isyu.

Giit ni Garcia, pinayagan nila ang dalawang grupo ng Ang Bumbero ng Pilipinas partylist na magpasa ng CON-CAN dahil lahat aniya ay pinapayagang makapaghain ng kanilang kandidatura.

Paliwanag ni Garcia, reresolbahin na lamang nila kung sino ang mauupo kapag sila ay nanalo.

Bago maghain, nasa 500 lider at miyembro ng iba’t -ibang alyansa, multi-sektoral, NGOs, at organisasyon ang nagpakita ng suporta sa ABP partylist sa pangunguna ni Jose Antonio “Ka Pep” Goitia.

Muling inihayag ng namumuno sa nasabing partylist group na sila ang totoo at tunay na kumakatawan sa kanilang sektor kahit pa may ibang grupo ang nagpasa ng CON-CAN noong October 1, 2024 o unang araw ng filing ng COC. Jocelyn Tabangcura-Domenden