Home METRO 2 parak ipoposte sa bawat paaralan sa Bulacan

2 parak ipoposte sa bawat paaralan sa Bulacan

1
0

Bulacan – Mula sa mas pinalakas na ugnayan at pagbabantay, namahagi na rin ang mga awtoridad ng 120 metal detector sa mga paaralan upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa lalawigang ito nitong Hunyo 25.

Sa isang panayam kay PCOL Jay Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, sinabi niyang mula sa koordinasyon sa mga principal at mga pamunuan ay mas pinatindi pa nila ang presensya ng kapulisan sa mga paaralan sa buong probinsya.

Aniya, nagbigay na rin sila ng security at safety tips para sa mga estudyante at nagsagawa ng lectures para sa mga ito.

Bukod dito, nagtalaga na rin ng dalawang pulis at Police Assistance Desk na magbabantay hangga’t may pasok ang mga estudyante sa mga paaralan sa lalawigang ito.

Pinasalamatan din niya ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa inisyatiba ni Mayor Christian Natividad na agad umaksyon at namahagi ng mga hand-held metal detector, katuwang ang pulisya, para sa karagdagang seguridad ng mga mag-aaral, guro, at kawani sa 54 na paaralan, mula elementarya hanggang sekondarya, sa nasabing lungsod.

Sinasabing tugon ito matapos mangyari ang pamamaril na isinagawa ng dalawang menor de edad na ikinasawi ng tatlong estudyante sa Tacloban City kamakailan.

(Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here