Home NATIONWIDE 2 patay, 28 sugatan sa tumalon na bus sa bangin

2 patay, 28 sugatan sa tumalon na bus sa bangin

274
0

ZAMBOANGA CITY – Patay ang dalawang pasahero habang 28 ang nasugatan matapos mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus at bumangga sa puno sa Dumingag, Zamboanga del Sur, iniulat kahapon.

Ayon kay Municipal Information Officer Jufil Mabanag, nangyari ang aksidente bandang alas-7:20 ng umaga sa Purok 4, Barangay Mahayahay.

Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Roy Bermudez, isang kadete ng ROTC, habang hindi pa nakikilala ang isa pang matandang lalaki.

Dinala naman sa ospital ang mga sugatan para lapatan ng lunas.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nawalan ng preno ang bus habang binabagtas ang pababang, kurbadang kalsada.

Karamihan sa mga sakay ng bus ay mga estudyanteng papunta sa ensayo para sa ROTC graduation. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here