MANILA, Philippines – Dalawang lalaki ang nasawi habang naglilinis ng septic tank sa Opol, Misamis Oriental.
Ayon sa ulat, namatay ang dalawa dahil sa suffocation.
Nitong Biyernes, Enero 3, ay bumaba ang isa sa mga biktima sa septic tank ng isang restaurant para alisin ang bara.
Kalaunan ay narinig na lamang ang biktima na humihingi ng tulong dahil sa masakit na ulo at hirap sa paghinga.
Dito na bumaba ang kasamahan nito para sana iligtas siya ngunit bigo ring makaakyat pabalik.
Sinubukan pang pumasok ng kapatid ng isa sa mga biktima sa septic tank para sana iligtas ang dalawa ngunit pinagbawalan na dahil sa delikadong sitwasyon.
Nang maiahon sa septic tank ang dalawang biktima ay agad itong isinugod sa ospita ngunit kapwa idineklarang dead on arrival. RNT/JGC