Home HOME BANNER STORY 2 Pinoy turista patay sa bus crash sa Germany

2 Pinoy turista patay sa bus crash sa Germany

1
0

FRANKFURT, Germany — Dalawang Pilipinong turista ang nasawi habang walo ang malubhang nasugatan matapos tumaob ang sinasakyan nilang bus sa isang motorway sa southern Germany nitong Linggo.

Ayon sa ulat ng Agence France-Presse (AFP), sakay ng chartered coach ang 33 Filipino tourists at dalawang Italian driver na patungo sana sa Oktoberfest sa Munich nang mangyari ang aksidente dakong alas-4 ng umaga GMT.

Batay sa paunang imbestigasyon ng German authorities, lumihis sa kalsada ang bus bago ito tumaob malapit sa Buchloe, isang lugar na malapit sa Austrian border.

Galing umano ang grupo sa Mailand bago nangyari ang aksidente.

Maraming emergency personnel ang ipinadala sa lugar habang pansamantalang isinara sa magkabilang direksiyon ang motorway.

Kinilala ng pulisya ang isa sa mga nasawi bilang isang 58-anyos na lalaki. Hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng ikalawang nasawi sa oras ng ulat.

Sinabi naman ng Philippine Consulate General sa Frankfurt na nakikipag-ugnayan na ito, kasama ang Philippine Honorary Consulate sa Munich, sa German police at iba pang awtoridad kaugnay ng mga Pilipinong sangkot sa aksidente.

Nagpaabot din ang konsulado ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi at sinabing handa itong magbigay ng consular assistance at suporta sa mga biktima at kanilang pamilya. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here