Home NATIONWIDE 2 retired Catholic prelates pumanaw na

2 retired Catholic prelates pumanaw na

MANILA, Philippines – Dalawang retiradong Katolikong prelate ang pumanaw nitong Huwebes, Pebrero 1.

Sa magkahiwalay na mga post sa social media, inihayag ng diyosesis ng Tandag at Malaybalay ang pagpanaw nina bishop emeritus Nereo Odchimar at bishop emeritus Honesto Pacana, ayon sa pagkakasunod.

Sinabi ng Tandag diocese na pumanaw si Odchimar ala 10:27 ng umaga sa San Pedro Hospital sa Davao City. Siya ay 83.

“While in his retirement, he had been suffering from diabetes and kidney complications. He died of metabolic encephalopathy due to end-stage renal disease and diabetic nephropathy,” dagdag pa.

Samantala, pumanaw si Pacana ng tanghali sa edad na 91.

“He was admitted for days to the ICU (intensive care unit) in Maria Reyna Xavier University Hospital, CDO (Cagayan de Oro) and after bravely fighting for a couple of days, was declared dead at 12:33 p.m. today,” ayon naman sa Malaybalay diocese.

Ipinanganak si Odchimar sa Bacuag, Surigao del Norte noong Oktubre 16, 1940. Siya ay naordinahan bilang pari noong Disyembre 19, 1964.

Itinalaga siya bilang pangalawang Obispo ng Diocese of Tandag noong Oktubre 18, 2001, Hanggang magretiro noong Pebrero 26, 2018.

Si Odchimar ay nagsilbi sa diyosesis ng halos 17 taon hanggang sa kanyang pagreretiro noong 2018.

Nagsilbi rin siya bilang ika-18 na pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) mula 2009 hanggang 2011.

Sa kabilang banda, si Pacana ay naordinahan bilang Jesuit priest noong Hunyo 10, 1965, hinirang bilang obispo noong Enero 12, 1994, at inorden bilang obispo ng Malaybalay noong Marso 4, 1994.

Naglingkod siya sa diyosesis mula 1994 hanggang 2010. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleUGB tutulong sa pagpapalakas ng MMA
Next articleCeltics hiniya ng Lakers sa home