Home METRO 3 sasakyang nakaparada, pinagbabaril at sinunog sa Maynila

3 sasakyang nakaparada, pinagbabaril at sinunog sa Maynila

187
0

MANILA, Philippines – Tatlong sasakyan ang pinagbabaril at sinilaban habang nakaparada sa Barrio Obrero partikular sa bahagi ng G.Santiago at R.Papa Street sa Tondo,Maynila.

Sa kuha ng CCTV ng Brgy.189 bandang alas 4:20 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa kasagsagan ng buhos ng ulan.

Makikita sa CCTV na ang mga suspek na may gawa ng krimen ay sakay ng dalawang motorsiklo.

Isa sa kanila ay binasag pa ang salamin bago sinilaban ang itim na kotse na may plate number na NIM-2624.

Patuloy na inimbestigahan ng MPD Station-7 ang insidente habang inaalam na ang motibo sa krimen maging ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here