Home METRO 2 sasakyang pandagat na sangkot sa banggaan sinuspinde ng MARINA

2 sasakyang pandagat na sangkot sa banggaan sinuspinde ng MARINA

MANILA, Philippines- Ipinag-utos na ng Maritime Industry o MARINA ang suspensyon sa dalawang sasakyang pandagat na sangkot sa banggaan sa karagatan sakop ng Matoco Point, Batangas City.

Sa follow-up statement ng MARINA, agad na nagpadala ang maritime administrator ng technical personnel mula sa kanilang Enforcement Service upang magsagawa ng safety investigation sa napaulat na collision sa pagitan ng MB “HOP & Go 1” at “MV Ocean Jet 6” nitong Miyerkules, Enero 31.

“Our MARINA Regional Office in Batangas City has already issued suspension of the Recreational Safety Certificate (RBSC) of MB “HOP and GO 1” and the Passenger Ship Safety Certificate (PSSC) of “MV Ocean Jet 6,” ayon sa maritime industry.

Ang dalawang sasakyang pandagat ay sasailalim sa masusing inspeksyon sa kaligtasan upang matukoy ang kanilang seaworthiness. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePic ni Julia sa IG, paghahanda sa buhay may asawa?
Next articleBulacan ecozone lilikhain ng Senado; $200B kikitain ng PH kada taon – Zubiri