Home METRO 2 studes nahulihan ng ‘damo’ sa paaralan sa Mandaluyong

2 studes nahulihan ng ‘damo’ sa paaralan sa Mandaluyong

1
0
(c) NCRPO

MANILA, Philippines – Dalawang estudyante, kabilang ang isang 17-anyos na lalaki, ang nahulihan ng hinihinalang high-grade marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P60,000 sa isang pampublikong paaralan sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), nadiskubre ang mga hinihinalang ilegal na droga matapos magsagawa ng classroom search ang isang guro dahil sa ulat ng nawawalang cellphone at pera.

Sinubukan umanong tumakas ng isang 18-anyos na Grade 11 student ngunit napigilan ng school security guard. Sa kanyang eco-bag, narekober ang ilang sachet ng hinihinalang kush at drug paraphernalia.

Samantala, tinangka rin umano ng 17-anyos na pigilan ang paghalughog sa kanyang bag. Nang mabuksan ito, nakita ang isang lalagyan na may karagdagang mga sachet ng hinihinalang ilegal na droga.

Sa kabuuan, nakumpiska ng mga awtoridad ang 33 sachet ng hinihinalang high-grade marijuana na tumitimbang ng humigit-kumulang 40 gramo at may halagang P60,000.

Ang 18-anyos na estudyante ay nasa kustodiya ng pulisya, sumasailalim sa drug test at inquest proceedings. Samantala, ang 17-anyos, na itinuturing na child in conflict with the law (CICL), ay nasa Bahay Pag-asa Youth Center at binabantayan ng mga social worker at kanyang mga magulang o guardian.

Ayon kay NCRPO Director Maj. Gen. Anthony Aberin, hindi dapat maging kanlungan ng ilegal na droga ang mga paaralan at mahalaga ang pagbabantay ng mga guro at school security upang mapanatiling ligtas at drug-free ang mga estudyante. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here