Home METRO 2 tiklo sa P93-M investment scam

2 tiklo sa P93-M investment scam

246
0

PAMPANGA, Philippines – Arestado ng mga operatiba ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Tarlac Provincial Field Unit 3 ang dalawang indibidwal na umano’y mga sangkot sa isang large scale investment scam sa ikinasang entrapment operation nitong lunes sa Marque Mall, Angeles City.

Kinilala ni P/Major Arvin Hosmillo ang mga naarestong suspek na sina alyas “Mauris at Joyce”.

Naaresto ang mga suspek bunsod reklamong inihain ng kanilang mga nabiktima na umano’y nakuhanan ng mahigit P93 Milyon sa pamamagitan ng mapanlinlang na investment scheme.

Sa operasyon, naaktuhan tumanggap ng marked money sa kanilang mga biktima.

Narekober sa operasyon ang mga tsekeng inisyu ng mga biktima na nagkakahalaga ng P18 Milyon, boodle at marked money na gamit sa operasyon at ang cellphone ng mga suspek na gamit nila sa pakikipagtransaksiyon.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Article 315 o Swindling/Estafa ng Revised Penal Code (RPC). (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here