Home METRO 2 timbog sa higit P700-K tobats sa Angono

2 timbog sa higit P700-K tobats sa Angono

240
0

RIZAL, Philippines – Arestado ang dalawang indibidwal matapos mahuli sa isinagawang magkasunod at magkahiwalay na buy-bust operation sa Angono, Rizal.

Kinilala ang suspek na si si alyas “Epoy” sa ikinasang buy-bust operation sa barangay Kalayaan dakong ala-sais kaninang umaga.

Nakumpiska mula dito ang hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 80.44 grams at may standard price na P546,922.

Habang itong si alyas “Bayaw” ay na-aresto naman sa barangay San Roque ng nasabing bayan kanina 10:56 ng umaga.

Nakumpiska naman mula rito ang hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang na 27.84 grams at may standard price na P189,312.

Sa kabuuan ang mga nasabat na hinihinalang shabu at umabot sa P736,304.

Ang dalawang akusado ay kapwa nasa kustodiya na ng Angono PNP at kapwa mahaharap sa kasong pag labag sa Article no. 2 ng Republic Act 9165 or Comprehensive Drugs Act of 2002.

Ang nasabing operation ay patunay lamang nang mas pinaigting na laban ng kapulisan sa ipinagbabawal na gamot sa maayos at mahinahon na operation. (Maritess Pumaras)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here