RIZAL, Philippines – Sa isinagawang drugs operation ng Rodriguez Police, nahuli ang dalawang suspek sa kahabaan ng J. Ramos St. Libis Brgy. Geronimo, Rodriguez, Rizal.
Nakumpiska sa mga suspek ang 5 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu, 2 piraso ng knot-tied transparent plastic cellophane na naglalaman din ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 210 gramo at may karaniwang presyo na Php1,428,000, buy-bust money at 1 sling bag.
Ang nasabing operasyon ay naitala ng Alternative Recording Device (ARD), habang ang mga naarestong suspek at narekober na drug evidence ay dadalhin sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa drug test at forensic examination.
Kasalukuyang nasa kustudiya na ng Rodriguez Municipal Jail ang mga suspek at nahaharap sa kasong Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Maritess Pumaras)