MANILA, Philippines – Nalambat ng pinagsanib na pwersa ng District Drug Enforcement Unit- Southern Police District (DDEU-SPD), District Intelligence Division (DID), District Special Operations Unit (DSOU), District Mobile Force Battalion (DMFB), Philippine Drug Enforcement Agency-Southern District Office (PDEA-SDO), at ng Taguig police Sub-station 2 ang dalawang drug suspects sa ikinasang buy-bust operation sa Taguig City Miyerkules ng hapon, Hulyo 10.
Sa report na natanggap ni SPD director P/Brig. Gen. Leon Victor Rosete ay kinilala ang mga nadakip na suspects na sina alyas Melvin, 43, habal-habal driver at tinaguriang high value individual (HVI) sa drug watchlist; at isang alyas George, 51, isa namang street level individual (SLI).
Ayon kay Rosete, matagumpay na nadakip ang mga suspek sa pamamagitan ng ikinasang buy-bust operation dakong alas 5:30 ng hapon sa Barangay Western Bicutan, Taguig City.
Sa isinagawang operasyon ay nakumpiska sa posesyon ng mga suspects ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng 53 na nagkakahalaga ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱360,400; isang android na cellular phone at ₱1,000 na nakapatong sa 24 piraso ng tig-₱1,000 boodle money na ginamit sa operasyon.
Ang nakumpiskang ebidensya ay dinala sa SPD Forensic Unit upang sumailalim sa laboratory examination.
Kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article 2 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinakaharap ng mga suspek sa Taguig City Prosecutor’s Office. James I. Catapusan